Akda ni Dahryll Gabayeron | Inilatag ni Krizia Rivera
Bawat himig ng sigaw na binatingting,
katumbas ng mga boses na kinimkim,
katumbas ng mga hinagpis na nilihim,
katumbas ng pagtitiis sa pandidiin.
Bawat martsang yinurak ang mga tipak,
katumbas ng hangaring makausad,
katumbas ng pagkatali at pantatapak,
katumbas ng paglayang kumukupad.
Bawat dugong dumanak,
katumbas ng bumabahang luhang pumatak,
katumbas ng mga kinabukasan ng iilang anak,
katumbas ng pagkalubog ng mga pangarap.
Ang mangarap at maghangad ng kalayaan,
ay walang ibang katumbas
bukod sa sarili mong buhay.