Bigyang-halaga ang kagitingan: Mga Guro, Itrato ng Tama!

2minDig
3 min readOct 5, 2022

--

Akda ni Cathelyde dela Torre | Inilatag ni TK Barsatan

Nabati mo na ba ang iyong mga guro? Binigyan mo ba ng bulaklak, tsokolate, o umambag ka na ba sa ibibigay na keyk at o surpresang nihanda ng inyong klase ngayong araw? Kung hindi pa, gawin mo na ngayon!

Nararapat lamang na ipakita natin sa ating mga guro ang pagmamahal at pagkilala sa likod ng mga problemang kanilang kinaharap dahil sa pandemya, kinakaharap dahil sa administrasyong Marcos-Duterte, at kakaharapin dahil sa kapabayaan ng sektor ng edukasyon.

Dahil sa pandemya, dalawang taon tayong nagtiis sa online classes kung saan ang mga klase ay isinasagawa sa pamamagitan ng Google Classroom, Zoom, MS Teams at iba pang plataporma. Napilitan ang lahat hindi lamang ang mga mag-aaral, kundi pati ang mga guro na magtiis sa maghapong pakikiharap sa kanilang mga kompyuter, laptop, at iba pang mga gadyet para mairaos ang kani-kanilang klase. Hindi naman lingid sa ating kaalaman na tunay na hindi kataasan ang sahod ng kaguruan, kaya nama’y isa sa mga kahirapang nararanasan nila ay ang pagbili ng gadyet, partikular ang kompyuter at laptop na mas mabisang gamitin para sa pagsasagawa ng online classes, at ang bayarin sa internet. Bukod pa roon ay ang kahirapan sa internet at signal, karamihan sa online classes ay nagkakaroon ng disconnection kung saan ay nawawalan ng internet, naghahang ang bidyo ng guro, pawala-wala ang internet, at iba pa.

Danas ito ng kaguruan ng Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas (PUP), kung saan madalas ay nakakaranas ng interruption ang klase dahil sa kahinaan ng internet signal ng guro, biglaang kawalan ng internet, at o pagla-lag kung saan hindi nagkakasabay ang kanilang bidyo at audio. Dahil dito, napipilitang mahinto ang klase, o minsan nama’y mas matagal ang ginugugol nilang oras sa pagtuturo.

Sa kasalukuyang administrasyong Marcos-Duterte naman, bagama’t unti-unting nagtatransisyon sa pisikal na klase, makikita pa rin sa ngayon ang kahirapan sa badyet at kagamitan ng klasrum. Sa PUP, tinatayang 129 million badyet cut ang ibabawas sa pamantasan, ayon sa mungkahing 2023 badyet ng Department of badyet and Management (DBM) .Mas mababa ito ng limang porsyento (5%) sa kasalukuyang badyet ng paaralan. Sa panahon ng transisyon ng moda ng edukasyon, ang mga ganitong pagbabago ay hindi nararapat. Sa inilabas na pagsusuri ng badyet ng The Catalyst, opisyal na pahayagan ng PUP, ang malaking cut sa badyet ay maaaring makatulong sa pagbibigay ng kagamitan para sa online class sa mga hirap na estudyante, kakayaning makapagsagawa ng vaccination program sa buo nitong populasyon, at matutulungan ang mga iba pang bahagi ng sektor tulad ng mga dyanitor, guard, at iba pa na kasalukuyang mayroong hindi makataong sahod. Marami ring kakulangan sa pasilidad na dapat mapagtuunan ng pansin, tulad ng mga upuan, electric fan, sanitary necessities na higit na kailangan ngayong pandemya, at iba pa.

Tunay na hindi matatawaran ang kanilang katatagan at kagitingan dahil sa dinami-raming pasaning responsibilidad at problemang kinakaharap, sinusubukan pa rin nila tayong pasayahin at turuan araw-araw. Bukod pa ito sa kanilang personal na mga obligasyon at problema, kaya nama’y hindi dapat natin palampasin ang araw na ito nang hindi nababati ang isa sa mga magigiting na bayani ng ating buhay, ang ating mga guro. Gayundin na manawagan sa kagawaran ng edukasyon at sa mga nakaupo sa itaas na huwag ipagsawalang-bahala ang haligi ng ating edukasyon, bigyan sila ng mas mataas na sahod at iba pang mga benepisyo!

Para sa mga guro, mabuhay po kayo!

REFERENCE:

https://pahayagangthecatalyst.wordpress.com/2021/09/05/budget-analysis-what-could-pup-miss-with-impending-p60m-slash/

--

--

2minDig
2minDig

Written by 2minDig

Tumitingin, Tumutugon, Tumitindig!

No responses yet