BUGHAW NGA BA ANG KATOTOHANAN O MGA BUGHAW ANG HUMAHAWAK SA KATOTOHANAN?

2minDig
1 min readNov 23, 2021

--

Akda ni Virg Magtira | Inilatag ni Alexa Agaloos

BATO-BATO SA LANGIT

ANG MATAMAAN, KOLATERAL NG GALIT

LABINDALAWANG TAON, LIMAMPU’T WALO

IPINULIDONG PAKANA, PAGKAPANALO’Y IWAWASTO

BAKIT ANG DUNGIS AY DI MALINIS

SAMPUNG TAON NA MULA NANG PAGLILITIS?

LUKLOK SA GRASYA, SWERTE AY DALISAY

SA IMPUNIDAD NA ASADONG GARANTIYA

DINUROG ANG TATLUMPU’T DALAWANG TINIG

UPANG REPRESIBONG DINASTIYA AY MANATILI

HABANG MAY HAGULGOL NA NAMUMUTAWI SA IBABAW

NG PINANLAMIGAN NA KATAHIMIKAN

HINAYAANG LUMISAN KAPALIT NG SENTIMOS

AT KAKAPIRANGGOT NA DANGAL

ANG LUPON NA SA DAHAS TUMUTUGON,

SIYANG MAY MAGIGING MAS MARAHAS NA PAGTANGIS.

SA MAPANUPIL NA ARMAS NG NAGHAHARI-HARIAN

TAKOT SA BAWAT BUKA NG BIBIG AT KABIG NG DIBDIB

NG MGA TAUNANG SIGAW NG HUSTISYA AT PAGDADALAMHATI

MAY PAGHIHIMAGSIK HANGGANG

ANG BAWAT KIBOT AY PINAPATID AT PUMIPIGLAS

AT MAMUMUO ANG DUNONG HANGGA’T MAY DUGO

NG BUGHAW NA PUMAPAHID SA KATOTOHANAN.

--

--

2minDig
2minDig

Written by 2minDig

Tumitingin, Tumutugon, Tumitindig!

No responses yet