Isang well-mannered na tula

2minDig
May 12, 2022

--

Akda ni Trek | Inilatag ni Bundok

Alas tres ng hapon,

walang birtdeyan, walang batang naghanda ngunit

bakit may mga payaso na may malaking barya?

Sa likod ng mga balota, nag-aabrakadabra

Mga makinarya sa kamay ng watcher na siksik ang bulsa

Abusado ang mga walang hiya, tinatarian

ang mga isang kahig, isang tuka

Mula sa riles hanggang presinto

umabot ang aberya ng makina

ngunit mas mabilis pa sa trapik ng EDSA

ang biyahe ng mga boto ng masa

COMELEC na ginawang puta,

tinali at pinagtatampal ng limpak-limpak na pera

nananahimik at kausap ang sariling konsensya

habang nakikinig sa awiting bayan na

Marcos-Duterte, Diktador, Pasista

Isang tapat at malinis lang na halalan,

nang maliwanagan ang masa,

nang mahipan ko na ‘tong umuupos na kandila.

--

--

2minDig
2minDig

Written by 2minDig

Tumitingin, Tumutugon, Tumitindig!

No responses yet